Wednesday, January 22, 2025

NAGPARINIG? Romualdez, Binantaan Mga ‘Hipokrito’ Sa Budget Process

2217

NAGPARINIG? Romualdez, Binantaan Mga ‘Hipokrito’ Sa Budget Process

2217

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

“This chamber will not tolerate hypocrisy nor will it stand idle in the face of such blatant disregard for public trust.” Iyan ang maanghang na banta ni House Speaker Martin Romualdez sa nagdaang opening ng 2025 General Appropriations Bill plenary deliberations.

Dagdag pa ni Romualdez: “Hindi maaaring magturo ng daliri ang mga may sariling kasalanan sa harap ng Kongreso. Lahat ay dadaan sa tamang proseso, at walang makakatakas sa pananagutan.” 

Pinaaalala ng House Speaker na hindi lamang public funds ang hawak nila kundi pati na rin ang public trust. Pinaalalahanan din nya ang kapwa niya mambabatas na ang pondong hawak nila ay mula sa pawis at sakripisyo ng milyon-milyong Pilipino kaya dapat gastusin ng tama at may “absolute accountability.”

Sa kanyang pagpapaalala, sinabi rin ni Romualdez na maraming kritiko ang pumupuna sa kanilang trabaho subalit mismong mga kritikong iyon ang nagsasawalang bahala ng sarili nilang “misuse of public funds”.

Giit ni Romualdez ang Kamara ay nananatiling transparent at accountable. Saad pa niya, wala silang kinikilingan at hindi mababali sa kahit na anong pressure o special interest.

“We have worked tirelessly to ensure that every government agency’s expenditure is examined with careful scrutiny and that every program funded by the people’s money is aligned with the country’s priorities,” dagdag pa niya. 

Bagamat walang nabanggit na pangalan si Romualdez, matatatandaang idinawit ni Vice President Sara Duterte ang House Speaker at appropriations committee chairperson Representative Zaldy Co sa allegations ng pagmamanipula ng budget. Sa isang video message noong September 10, sinabi ni Duterte na kontrolado nina Romualdez at Co ang budget ng gobyerno. No show din ng araw na iyon si Duterte at ang kanyang mga officials sa budget hearing.

“Ang budget ng Pilipinas ay hawak lang ng dalawang tao. Hawak lang siya ni Cong. Zaldy Co at ni Cong. Martin Romualdez. ‘Yan ang katotohanan,” ani Duterte.

Naka-schedule na magkaroon ng plenary debates ang House of Representatives mula September 16 hanggang 25. Sa September 23 naman naka-schedule na pag-usapan ang budget ng Office of the Vice President.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial, House of Representatives website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila