Monday, January 27, 2025

NAGSIMULA NA ANG KAMPANYA PULITIKA

27

NAGSIMULA NA ANG KAMPANYA PULITIKA

27

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kasabay ng maagang pagpasok ng tag-init dulot ng El Niño ay ang maagang pag-init ng politika sa national at local level. Hindi nga ba’t nagmistulang ng campaign period ang Valentine’s Day sa dami ng mga aspirante sa 2025 elections na nagsabit ng mga tarpaulin at pagbati nila sa social media? Makita mo sa mga posts ng mga local aspirants sa FB, nakakapaso na ang mga bangayan sa comment section ng kani-kanilang mga katropa.

Sa senado pa lang, masikip na masikip na ang labanan sa 2025 election. Pito ang re-electionist: Bong Revilla, Bong Go, Imee Marcos, Bato dela Rosa, Pia Cayetano, Francis Tolentino at Lito Lapid. Mukhang magbabalik senado rin sina Leila De Lima, Ping Lacson, Manny Paquiao, at Tito Sotto. At siyempre, ang inaabangan sa lahat na pagsabak sa senado nina ACTCIS Party-List Congressman Erwin Tulfo at ang nakayayanig na pagtakbo ni ex-President Digong Duterte.

Sakaling palaring manalo si Digong sa senatorial race, baka tatargetin nito ang pagiging Senate President, bagay na sinasabing hudyat ng paggulong ng bagong realignment sa politika na makapagpapabago ng election landscape  sa 2025 at maaring makaimpluwensya sa direksyon ng charter change, foreign policy ng Pilipinas at eleksyong pampangulo sa 2028. Sino-sino ang mga malalaglag, sino-sino ang mga papalarin… ating abangan ang teleserye ng kampanya politika na maagang nagsimula.

Inaabangan din ng lahat ang stand ng Pangulong Bong-Bong Marcos Jr. sa isyu ng ICC. Hanggang kelan ito maninindigan na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas sa usapin ng umano’y pananagutan nina ex-President Duterte sa isyu ng EJK noong kasagsagan ng Tokhang?

Hindi magbabago ng paninindigan ang Administrasyong Marcos Jr. kapag pormal ng dumeklara itong si Digong na kandidato sa pagka-senador? Wait and see muna tayo.

Maigi na lang at tumahimik na ang alingasngas tungkol sa paghiwalay ng Mindanao sa Luzon at Visayas.

Hindi tulad noong panahon ng erpats ni PBBM, iba na ang kondisyon ngayon sa Mindanao. Hindi papayag ang mga stalwarts ni BBM sa Mindanao tulad nina Sulu Governor Sakur Tan sa gusto ni Digong. Hindi din pabor si Bangsamoro Autonomous Region Chief Minister Ahod Ibrahim Murad sa gusto ni Digong. Kung tutuusin, mas may kredibilidad itong mga lider na ito pagdating sa usapin ng paghihiwalay ng Mindanao pagkat mismong mga lugar nila ang dumanas ng malupit na epekto ng digmaan noong kasagsagan ng giyera sa pagitan ng pamahalaan at MNLF o MILF.

Kumbaga, lehitimo ang hinaing noon ng mga taga-Mindanao hindi tulad ngayon na tila preserbasyon lamang ng politikal na interes at personal na seguridad ang ugat ng panawagang ihiwalay ang Mindanao sa buong Pilipinas. Pati mga taga-Luzon at Visayas, kakaladkarin pa sa isyu.

Kayo ba, gusto nyo bang magpakita pa ng pasaporte kapag nais ninyong kumain ng native na durian sa Davao, o crispy tuna tail sa GenSan?

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila