Dismayado si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagharang ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa panukalang umento sa sahod para sa mga manggagawang Pilipino
Ayon sa kanya, hindi umano nararapat maging opisyal ng Department of Labor and Employment si Laguesma matapos niyang kontrahin ang pagtaas ng sahod na isinusulong sa Senado.
“I’m saddened and shocked to hear the statement of the Secretary of Labor in objecting to higher wages for the labor sector by rejecting our reasonable Minimum Wage hike bill that would increase by a modest P100 across the board for all our minimum wage earners in the country,” saad ni Zubiri sa isang opisyal na pahayag.
Aniya, ang pagkontrang ito ni Laguesma ay mas nagpapakita ng pagbibigay prayoridad sa business sector kaysa sa mga uring manggagawa.
“It should be the Secretary that should lead the way on this and not the other way around.”
Dagdag pa ng Senate President, ang pagbalewala ni Laguesma sa naturang wage hike ay hindi umano nakakatulong para sa mga kumakalam na sikmura ng mga Pilipino kaugnay ng pagtaas ng bilihin sa bansa.
“[He] has failed to protect workers interests and would rather speak for the interest of the business sector,” pahayag niya.
Isa si Zubiri sa nagsusulong na magkaroon ng wage hike sa bansa na magbibigay ng karagdagang P100 sa sahod ng mga manggagawa.
Kaugnay nito, nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso na serpitekahan ang pagpapataas ng sahod para makatulong sa taumbayan matapos pumalo ang inflation rate sa 4.3% noong Abril.
“I am one with our President in calling for the Regional Tripartite Wage and Productivity Boards to review our minimum wages regularly and for the National Wages and Productivity Commission to ensure that the boards do so,” aniya.