Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ang agarang pagbibigay ng permit sa mga infrastructure flagship projects ng gobyerno upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga ito.
Dahil sa nakikitang balakid sa pagpapasigla ng foreign investments sa bansa, nabanggit niya na dapat magkaroon ng mas madaling proseso ang pagbibigay ng permit sa mga proyekto ng gobyerno.
“There is a need to further streamline the process for issuance of required licenses, clearances, permits, certifications or authorizations to expedite the implementation of IFPs, consistent with RA 9485, as amended,” saad ni Marcos sa kanyang official statement.
Dagdag din niya, kailangang pagtibayin ang Executive Order (EO) 59 o Anti-Red Tape Act of 2007 upang mapabilis ang proseso ng mga proyekto at magpakita ng transparency sa mga infrastructure projects sa bansa.
Ayon sa datos, halos lahat ng proyekto ng gobyerno sa bansa ay kabilang sa mga hangarin ng Pangulo sa kanyang Build Better More Program. Sa nasabing mga proyekto, ang iba rito ay nagmula ang pondo sa iba’t-ibang hanay ng gobyerno tulad ng General Appropriations Act at public-private partnerships.
Ang mga ito ay dapat din i-monitor ng mabuti ayon sa kanya para magbigay kasiguraduhan na hindi ito naagrabyado dahil sa korapsyon at totoong makakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Para masiguro na matitignan lahat ng proyekto sa bansa, iniutos din ni Marcos na ang pag-amyenda sa EO 59 ay sakop din ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan pati na rin ang ibang organisasyon na hawak ng gobyerno.