Tuesday, December 3, 2024

NALINTIKAN NA! Milyong Ari-Arian Ni Guo, Frozen Na

1254

NALINTIKAN NA! Milyong Ari-Arian Ni Guo, Frozen Na

1254

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pag-frozen sa mga ari-arian ng suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa kanyang pagkakasangkot sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operation.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), nakuha nito ang freeze order mula sa CA noong July 10, 2024.

“The Court of Appeals’ freeze order is a critical move in our fight against money laundering and related criminal activities,” paliwanag ni AMLC Executive Director Matthew David. “Freezing these assets protects the integrity of our institutions and shields the public from the harms of unlawful activities.”

Iniugnay ng imbestigasyon ng AMLC si Guo at iba pang indibidwal, kabilang sina Zhiyang Huang at Baoying Lin, sa kahina-hinalang  financial activity at diumano’y pagkakasangkot sa human trafficking at money laundering. Nakasentro ang imbestigasyon sa mga kompanyang tulad ng Zun Yuan Technology Inc., BAOFU Land Development Inc., at Hongsheng Gaming Technology Inc., na pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ginamit upang mapadali ang mga ilegal na aktibidad na ito.

“Our persistent crackdown on illicit proceeds of criminal activities highlights our bid to protect the integrity of our financial system and ensures that those who perpetrate these crimes will not enjoy the proceeds,” dagdag ni David.

Saklaw ng freeze order ang 90 bank account sa 14 na financial institution, mga real property, at mga high-value personal possession tulad ng mga mamahaling sasakyan at isang helicopter ng mga akusado. Ang freeze order ay naglalayong pigilan ang potensyal na paglipat o pagtatago ng mga ari-arian ng mga akusado habang nagpapatuloy ang mga paglilitis.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila