Monday, January 13, 2025

Namumulitika Lang! Sen. Revilla Ipinagtanggol Ang Mga Kapwa Opisyal Laban Sa ICC

12

Namumulitika Lang! Sen. Revilla Ipinagtanggol Ang Mga Kapwa Opisyal Laban Sa ICC

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang pagdepensa sa kanyang mga kasamahan, nakiisa si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa dumaraming matataas na opisyal ng gobyerno na kumundena sa iniulat na plano ng International Criminal Court (ICC) na mag-isyu ng warrant of arrest para sa mga duly elected na opisyal ng Pilipinas. 

Sa isang pahayag, sinabi ni Revilla na suportado niya sina Sen. Ronald Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nanguna sa kampanya ng bansa laban sa iligal na droga. Aniya, ang war on drugs ng administrasyong Duterte ay isang hakbang na pinuri ng mga komunidad para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at kaayusan, ngunit labis na pinuna ng mga kalaban at detraktor sa pulitika.

Mariing ipinahayag ng mambabatas ang kanyang pagtanggi na tanggapin ang sa tingin niya ay lantarang panghihimasok ng ICC sa internal affairs ng bansa. 

“Hindi tayo papayag sa malinaw na panghimasok na susubukang gawin ng ICC sa ating bansa. We do not need to remind them that we are a free, independent, and sovereign nation governed by our laws,” aniya. 

“Kung mayroong pananagutan, sa batas ng ating bansa dapat managot, hindi sa mga dayuhan.”

Ipinahayag din ni Revilla ang kanyang pagkalito sa halatang “baseless” na pang-uusig ng ICC, lalo kung ang paglabag sa human rights ay patuloy na nangyayari sa ibang bahagi ng mundo. 

“It is obvious the ICC’s interest here is not justice but something else entirely. Binobomba at pinapatay ang mga sibilyan, guro, mga bata at mga musmos sa ibang panig ng mundo pero si Bato at Duterte ang pinanggigigilan nila,” aniya.

Iginiit din ng senador na nawalan na ng kredibilidad ang ICC dahil sa hayagan nitong partiality na dulot ng political motives.

“The ICC, with its patent partiality which is so manifestly politically-motivated, has totally lost its credibility. These bullies are driven by their own selfish interests, and they cannot fool us into thinking that they can discharge justice. Ginawa na nila ito sa iba’t-ibang bansa na imbes mabigyang hustisya, ay lantaran nilang binalasubas ang umiiral na batas.” 

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila