Sunday, November 24, 2024

Namumuro Na! Sen. Jinggoy Pinaiimbestigahan Ang Mga Online Endorsement Scam

6

Namumuro Na! Sen. Jinggoy Pinaiimbestigahan Ang Mga Online Endorsement Scam

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng panawagan si Sen. Jinggoy Estrada upang paimbestigahan sa Senado ang mga kumakalat na mapanlinlang na advertisement posts sa social media at mga pekeng online endorsements ng mga sikat na personalidad sa mga hindi rehistradong produkto. 

Naghain ang senador ng Senate Resolution No. 666, kung saan ay binangiit niya ang panganib na hatid sa mga konsyumer ng mga lumalaganap na online marketing materials at imposter pages o accounts na nagpo-promote ng mga hinding reshistradong produkto para sa iba’t-ibang sakit o benepisyo sa kalusugan na gumagamit ng mga larawan ng mga sikat na artista at lokal na personalidad. 

“Ang ganitong advertisements ay naglilinlang sa mga mamimili na ang mga sikat na personalidad ay gumagamit at nag-eendorso ng pagkain at gamot na hindi pa rehistrado sa mga kinauukulang ahensya at hindi pa aprubado para ipamahagi at ibenta sa publiko,” pahayag niya. 

Kalat na ang mga ganitong  maling impormasyon tungkol sa epekto, kalidad at kaligtasan ng pagkain, gamot at mga produktong pangkalusugan sa iba’t-ibang social media platforms at marami na ang nakapanuod at naapag-share nito ayon kay Estrada. 

“Ang pagkalat at pagdami ng mga mapanlinlang na online na patalastas ay malinaw at tahasang paglabag sa Consumer Act na nagpaparusa sa pagpapakalat ng mga mapanlinlang na sales promotion practices,” paliwanag niya. 

Ginawang halimbawa naman ng mambabatas ang mga ulat hinggil sa di umano’y pag-endorso ni Doc. Willie Ong sa mixed nuts na tinawag na “miracle food” na siyang pinabulaanan naman ng doktor at tinawag na scam. Nabanggit din ni Estrada ang paggamit sa pangalan at larawan nga isa pang doktor na si Dr. Tony Leachon sa pag-endorso ng produktong lunas umano sa sakit na diabetes. 

“Kailangan na agarang maprotektahan ang mga mamimili laban sa pagkonsumo ng mga hindi rehistrado at posibleng mapanganib sa kalusugan na mga pagkain at produkto sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga probisyon ng Consumer Act at regulasyon sa mga mapanlinlang na advertisements sa social media platforms,” pahayag niya. 

Iginiit din ng senador ang pangangailangang matukoy at matugunan ang mga posibleng butas ng mga umiiral na mga batas at regulasyon ng bansa pati na ang pag-update sa mga probisyon ng mga ito sa harap ng malawakang paggamit ng social media platforms. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila