Matapos ianunsyo ng kanilang kapatid na si Vice President Sara Duterte ang kanilang planong pagtakbo sa Senado, bigong makapasok sa top 12 senatorial bet sina Paolo Duterte at Baste Duterte base sa inilabas na survey ng PulseAsia Research Inc. para sa darating na 2025 mid-term elections.
Tila mahina pa ang presensya ng magkapatid na Duterte sa taumbayan matapos lumagpak sa 28th at 29th place sa survey ng PulseAsia noong Marso.
Ayon sa survey, tinanong nila ang taumbayan kung sino ang napupusuan nilang maging senador kung mangyayari man ngayon ang senatorial elections.
“Malayu-layo pa po ngunit mayroon na ring mga taong interesado sa darating na pambansang eleksyon sa taong 2025, kung saan ang ating mga kababayan ay boboto para sa 12 senador at iba pang mga opisyal ng pamahalaan,” saad ng PulseAsia sa kanilang survey.
Sa kabila nito, nasungkit naman ng kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pangatlong pwesto sa naturang survey na nangangahulugan na 47.7% ng registered voters ay handang bumoto sa kanya.
Nanguna naman sa listahan si Sen. Erwin Tulfo na nakakuha ng 57.1% at sinundan ni Sen. Vicente “Tito” Sotto na mayroong 51.8%.