Dear members of the House Committee on Appropriations,
Nakakabahala ang balitang inabot lamang ng kinse minutos ang deliberation ninyo para sa budget ng Office of the Vice President (OVP). Nakakapanghina na ang nasabing briefing ay basta ninyo lamang tinapos at hindi lubusang tinalakay ang proposed budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte.
Para sa akin, ang parliamentary courtesy and tradition ay isa lamang bahagi ng legislative process at hindi dapat gamitin ang mga ito bilang mga kasangkapan upang pigilan ang isang healthy discourse lalo na sa budget ng opisina ng pangalawang pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno.
Malaki ang papel ng OVP sa pamamahala ng ating bansa, at nararapat na maingat na suriin ang badyet nito. Ang bawat taxpayer ay may karapatang malaman kung paano inilalaan at ginagastos ang kanilang pinaghirapang pera. Ang mga aksyon na humantong sa mabilis na pagwawakas ng mga deliberasyon ay hindi lamang humadlang sa mga mambabatas sa pagganap ng kanilang mga tungkulin ngunit pinapahina rin ang mga prinsipyo ng checks and balances na mahalaga sa ating demokrasya.
Higit pa rito, ang pangharang sa mga tanong ng ibang mambabatas na ay lubhang nakakabagabag. Naniniwala ako na ang tungkulin na itaguyod ang mga interes ng mga tao at tiyakin ang responsableng paggamit ng pampublikong pondo ay dapat na laging mauna kaysa sa anumang tradisyon.
Bilang nagmamalasakit na mamamayan, naniniwala ako sa kahalagahan ng transparency, accountability, at isang democratic process sa paghubog sa kinabukasan ng ating bansa. Sana ay gampanan ninyong mabuti ang inyong mga tungkulin bilang mga public servant sa pamamagitan ng pagtatataguyod ng accountability at transparency.
Sincerely,
Maria Dela Cruz
Photo credit: House of Representatives Official Website
Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph.
Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang yan sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.