Sunday, July 14, 2024

NASAAN SI QUIBOLOY? Digong, Alam Kung Nasaan Ang Pastor; PNP Todo-Bantay

351

NASAAN SI QUIBOLOY? Digong, Alam Kung Nasaan Ang Pastor; PNP Todo-Bantay

351

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Minomonitor na umano ng Philippine National Police (PNP) si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na alam niya kung saan nagtatago si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Apollo Quiboloy ngunit hindi niya ito ibinubunyag.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng press conference si Digong sa Tacloban City kung saan tila nambitin sa kanyang pahayag ukol sa pinagtataguan ni Quiboloy. “Alam ko kung san si Pastor, pero secret.”

Nang tanungin ng media tungkol dito, hindi na sumagot pa muli ang dating pangulo at naging palaisipan na sa taumbayan at sa mga pulisya.

Dahil dito, sinabi ng PNP na maaring humarap sa imbestigasyon si Digong dahil ang kanyang pahayag ay posibleng may kinalaman sa pagtatago ng pastor hanggang ngayon.

“Obstruction of justice po ‘yan [pahayag ni Duterte]. And we’re checking po if we can file against these people,” saad PNP Chief General Rommel Francisco.

Matatandaang ang pahayag ng dating pangulo ay sinuportahan ni Senador Robin Padilla at sinabing maaring biro lamang ito at hindi dapat seryosohin ng mga awtoridad.

“Hindi mo nga alam kung nagbibiro yung tao o seryoso. Siguro ang pwede nilang gawin diyan, hingan nila si ex-president ng official statement kasi baka nagbibiro lang yung tao.”

Mahigit dalawang buwan nang pinaghahanap ng pulisya si Quiboloy dahil sa mga kasong sexual abuse at human trafficking kung saan ang mga biktima dating miyembro ng KOJC.

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph, Philippine News Agency official website

President In Action

Metro Manila