Sa isang panayam kamakailan sa Australia-based ABC News, mariing itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga alegasyon ng corruption at plunder laban sa rehimen ng kanyang ama, at sinabing “propaganda” lang ang mga ito.
Natawa na lang si Marcos nang tanungin tungkol sa mga dokumentadong ebidensiya ng mga diumano ay pangungurakot ng bilyun-bilyong piso mula sa public funds ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa panahon ng kanyang dalawang dekada na pamumuno.
Gayunpaman, mabilis siyang nakabawi, at sinabing hindi totoo ang mga pahayag na ginawa laban sa kanyang pamilya.
“Since cases were filed, the government failed. Cases were filed against me, my family, the estate etc. Up to now we have … the assertions that were made were shown to be untrue.”
Iginiit pa ni Marcos Jr. na ang kanyang pamilya ay pumirma ng quitclaims, at binitawan ang anumang mga karapatan sa mga ari-arian na natuklasan ng gobyerno, at binigyang-diin na wala silang naiwan pagkatapos tumakas patungong Hawaii kasunod ng 1986 EDSA People Power revolution.
“We have signed – this family has signed quit claims where any money that you find is yours. Everything was taken from us. We were taken to Hawaii. Everything. Everything was taken from us. We had nothing left.”
Higit pa rito, ibinasura niya ang mga natuklasan ng Presidential Commission on Good Government, na iginiit na malaki pa rin ang utang ng pamilya Marcos sa bansa mula sa ill-gotten wealth. Tinawag itong “propaganda.”
“I think that having seen the facts – as they have been slowly reviewed – with true investigation and not propaganda, actual investigation, court cases, investigations by all kinds of NGOs (non-government organizations) and agencies, that has changed. People can see that it was propaganda.”
Bilang tugon sa mga panawagan para sa pamilya Marcos na isuko ang kanilang ill-gotten wealth, muling iginiit ni Marcos Jr. na “walang natira” sa kanila noong sila ay tumakas papuntang Hawaii.
Photo credit: Facebook/pcogovph