Saturday, January 18, 2025

NILAGLAG NG NSC? Transparency At Accountability, Wish Ni VP

2196

NILAGLAG NG NSC? Transparency At Accountability, Wish Ni VP

2196

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte kung bakit hindi siya naimbitahan sa mga pulong ng National Security Council (NSC), kahit miyembro siya nito base sa Executive Order 115 ng 1986. 

Ito ay matapos ideklara ng NSC na ang pahayag ng pangalawang pangulo tungkol sa pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ay isang seryosong isyu ng pambansang seguridad. 

Hiniling niya ang kopya ng minutes, listahan ng attendees, at iba pang dokumento ng council mula Hunyo 30, 2022. 

Ayon kay Duterte, gusto niyang malaman kung ano na ang mga nagawa ng NSC, pati na rin ang legal na paliwanag kung bakit tila hindi siya isinama sa mga deliberasyon. “Transparency and accountability are needed,” dagdag ng bise.

Bukod pa dito, hiniling din ni Duterte na isama sa agenda ng susunod na meeting ng konseho ang request niya na mag-present sa NSC ng mga banta sa kanya, sa kanyang mga staff at sa Office of the Vice President bilang isang institusyon.

Sa isang press conference, ipinaliwanag ng pangalawang pangulo na ang kanyang pahayag tungkol kay Marcos ay “maliciously taken out of logical context” at isang “warning” lang at hindi literal na utos. Dagdad pa ni Duterte, katulad ito ng nauna niyang banta na huhukayin ang labi ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea kung magpapatuloy ang mga atake laban sa kanya.

Itinuring ng Malacañang na isang “active threat” ang sinabi kamakailan ng bise presidente, na nagpalala sa tensyon sa pagitan ng dalawang kampo.

“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ No joke, no joke. Nagbilin na ako,” aniya sa isang online press conference.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila