Sunday, December 22, 2024

No. 1! DBM Usec. Libiran, Top Government Communicator Ng 2023

294

No. 1! DBM Usec. Libiran, Top Government Communicator Ng 2023

294

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanguna si Budget Undersecretary Goddes Hope Libiran sa listahan ng “best government communicators” sa bansa matapos magpakita ng dedikasyon sa paghahatid ng impormasyon noong nakaraang taon.

Kamakailan lang ay inilabas ng RP-Mission and Development (RPMD) Foundation Inc. ang resulta sa kanilang katatapos lang na nationwide job performance assessment sa “Top Communicators of Government Agencies” ng bansa noong 2023.

Nakakuha si Libiran ng 89.7% rating sa nasabing assessment. Kabilang sa top 5 ay sina Justice spokesperson Mico Clavano, Interior and Local Government Usec. Marge Gutierrez, and Social Welfare and Development Usec. Edu Punay, Malacañang press briefer Daphne Oseña-Paez, at Immigration spokesperson Dana Sandoval.

Ang naturang assessment ay batay sa pagpapakita ng mga indibidwal ng dedikasyon sa trabaho sa pamamagitan ng kanilang pagiging transparent at responsable sa paghahatid ng balita at impormasyon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Tinanghal na top government communicator ng bansa si Libiran dahil na rin sa mabilis na pagresponde niya lalo na sa panahon ng krisis at pati na rin sa epektibong paggamit ng iba’t-ibang platform upang ihayag ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para sa bansa.

Maalalang sa murang edad, naging mulat si Libiran sa kagustuhan na maghatid ng serbisyo sa bansa. Sa edad na labing-siyam, naging parte na siya ng government personnel bilang Program Production Head ng MMDA.

Pagbabahagi niya sa kanyang keynote address sa nakaraang National Youth Eco Camp, katulad niya, marapat na maging mulat ang kabataan sa pagiging boses ng bayan lalo na sa katotohanan dahil ito ang susi sa ating pag-unlad.

“Embrace your creativity, passion, and boundless potential. Speak out and let your voices resonate. […] Always speak the truth and believe in yourself.” saad ni Libiran sa kanyang Facebook post.

Sa pagpapakita ng kagalingan at dedikasyon sa kanilang trabaho, ibinahagi ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD Foundation, na sila ay nagpapasalamat sa serbisyo na kanilang ginagawa sa taumbayan.

“Their pivotal roles in enhancing transparency and shaping public perception establish them not just as representatives of their agencies but as vital conduits between the government and the public.” pahayag niya.

Photo credit: Facebook/goddeshopelibiran

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila