Thursday, December 26, 2024

‘NO TO GUO 2.0!’ Senado, Hinimok Publiko Na Magbantay

2424

‘NO TO GUO 2.0!’ Senado, Hinimok Publiko Na Magbantay

2424

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan ang mga senador ng bansa na maging mapagmatyag ang lahat upang mapigilan ang mga tulad ni dismissed Bamban mayor Alice Guo na maupuo sa pwesto kahit hindi naman talaga sila qualified.

Sa isang press briefing, sinabi ni Senate President Francis Escudero na posible pa rin na ang mga tulad nui Guo ay ma-elect sa nalalapit na 2025 midterm elections dahil ang mandato ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng mga certificate of candidacy ay ministerial in nature lamang. 

May posibilidad pa rin yun. Trabaho nating lahat na maging mapagmatyag at tiyakin na hindi sana mangyari yun. At kung mangyayari man, agad mahuhuli,” saad ni Escudero. 

Bagamat, binigyang diin ni Escudero na may grounds pa rin para ma-disqualify ang isang kandidato: una, kung mapatunayan na hindi siya Filipino citizen; pangalawa, kung hindi pasok ang kanyang edad sa age requirement ng kanyang tinatakbuhang position; pangatlo kung hindi siya residente; pang-apat, kung hindi siya registered voter; at pang-lima, kung hindi siya nakakabasa o nakakasulat. Dagdag pa niya, kung hindi taglay ng kandidato ang isa sa lima ay pwede na itong ipa-disqualify.

Kung sakali naman na manalo at ma-iproklama ng Comelec ang kandidato na katulad ni Guo, maaaring mag-issue ng quo warranto ang Comelec kung sa kalaunan ay mapatunayang hindi nga ito qualified o lumabag ito sa batas. 

Sa tulong ng ating mga kababayan na dapat maghain ng karampatang impormasyon kaugnay sa kawalan o kakulangan sa requirements ng sinumang kakandidato,” ani Escudero.

Sinang-ayunan naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino si Escudero at nagsabing lahat ay dapat maging involved sa paninigurong ang bawat kandidato ay qualified.

Samantala, sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na may mga remedyo rin kahit nanalo na ang isang hindi kwalipikadong kandidato, tulad ng kaso ni Guo. Hindi umano dapat mag-panic ang publiko, bagama’t may pangangailangang maging mapagbantay. 

Ayon naman kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, hindi nila maaaring tanggihan ang COC ni Guo kahit may mga kasong siyang kinakaharap, maliban na lamang kung may pinal nang desisyon na laban sa kanya. Sa ganitong sitwasyon, maaaring magsampa ng petisyon para kanselahin ang kanyang COC o ipa-disqualify siya.

Pahayag naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), handa silang magbigay ng seguridad kay Guo habang siya’y nakakulong. Kung papayagan siya ng korte na personal na mag-file ng kanyang COC, sasamahan siya ng BJMP o gagamit na lamang ng kinatawan para dito.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila