Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang mga programa para sa accessible at dekalidad na healthcare services para sa mga Pilipino.
Sa kaniyang speech na ginanap sa briefing at site inspection ng Clark Multi-Specialty Medical Center (CMSMC) sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, ipinahayag niya na ang CMSMC ay hindi lamang parte ng kanyang priorities para sa kanyang State of the Nation Address, ngunit isa rin itong importanteng bahagi ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) ng administrasyon.
Layunin ng HFEP na palawakin ang access sa dekalidad na healthcare services, lalo na para sa mga nasa komunidad na kulang sa serbisyo.
“Rest assured this administration is determined to bring quality healthcare services closer to Filipino people. We will establish more primary healthcare facilities and specialty centers nationwide,” pangako ni Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na iuulat niya sa bansa ang progreso na kanilang nagagawa sa pagtataguyod at pagbubukas ng mga bagong healthcare centers sa buong bansa.
“…we will not stop until every Filipino can say they have good access to quality healthcare. I cannot endure the sight of seeing a fellow Filipino suffer only because of the lack of facilities in our health system,” aniya.
Nangako rin si Marcos na magtataguyod ng rural healthcare units at barangay health centers kasabay ng kanyang pagsuporta sa pagpapalakas ng programang “Botika de Barangay.”
Binigyang diin niya ang kahalagahan ng healthcare at ng kahandaan, bunsod ng mga natutunan mula sa pananalasa ng pandemya, na nakaapekto sa mga tao, mayaman man o mahirap.
“That is why it is a fundamental part of the services that this government will bring to our people. It is not a privilege to have healthcare. It is a right and that is how we will approach this problem and that is how we will continue to make our healthcare system better for all Filipinos in whatever capacity that we are able to do,” saad ng Pangulo.
Nanawagan siya sa lahat na maging parte ng solusyon at magsulong ng mga makabagong alternatibo na makakapag papaunlad ng buhay ng bawat Pilipino.