Sunday, January 12, 2025

OFW Deployment Ban Sa Kuwait Muling Iginiit Ni Tulfo

6

OFW Deployment Ban Sa Kuwait Muling Iginiit Ni Tulfo

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling iginiit ni Senador Raffy Tulfo ang pangangailangang magpataw ng deployment ban ng mga manggagawang Pilipino o OFWs sa Kuwait kasunod ng mga ulat tungkol sa isang Pinay domestic helper na naparalisa matapos tumakas sa kanyang abusadong amo sa nasabing bansa. 

Sa isang pahayag, sinabi niya, na pinanatili niya ang mahigpit na koordinasyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak ang kaligtasan ng OFW na si Myla Balbag matapos ang nasabing insidente.

Nalaman ni Tulfo sa ulat ng OWWA na dinala si Balbag sa Emergency Department ng Al Jaber Hospital noong Enero 21 matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang amo sa Hateen habang sinusubukang tumakas.

Isinalaysay umano ni Balbag na sa nasabing petsa, na nagalit ang kanyang babaeng amo matapos siyang mahuli na gumagamit ng social media application na TikTok sa kanyang silid. Kinuha ng nasabing employer ang kanyang telepono at headset at kalaunan ay sinaktan siya ng pisikal.

Dahil sa takot, sinabi ni Balbag na inimpake niya ang kanyang mga gamit at sinubukang tumakas sa bintana sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang amo, na naging dahilan ng kanyang pagkahulog.

Ayon kay Tulfo, ang mga ulat tungkol sa insidente na kinasasangkutan ni Balbag ay lumabas halos dalawang linggo matapos ang pagpatay sa domestic helper na si Jullebee Ranara, na natagpuan sa isang disyerto sa Salmi, Al-Jahra Governorate. Bago pumutok ang balita tungkol sa pang-aabuso kay Balbag, nakikipag-ugnayan na ang mambabatas sa OWWA para subaybayan ang kalagayan ni Balbag at patuloy nitong bantayan ang nasabing kaso.

Nanindigan ang chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, na ang kanyang iminungkahing deployment ban sa Kuwait ay maaaring gamitin bilang leverage kapag ang gobyerno ng Pilipinas nagsagawa ng bilateral talks sa Kuwait.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang magpataw ng pre-engagement orientation para sa mga dayuhang employer bago sila payagang kumuha ng mga OFW. Ang oryentasyon, aniya, ay dapat bigyan sila ng maikling impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Tulfo na ang mga Pilipino sa pangkalahatan ay maligayang mga tao na may karapatang gumamit ng TikTok para sa kasiyahan o bilang paraan upang makipag-ugnayan muli sa kanilang mga mahal sa buhay pagkatapos ng mahabang araw na trabaho. Dagdag ng senador, wala siyang nakikitang masama sa mga domestic helper na tulad ni Balbag na gumamit ng TikTok pagkatapos ng oras ng trabaho hangga’t nirerespeto nila ang mga tradisyon ng Kuwait.

Pangatlo, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng mga kaukulang ahensya na magtatag ng mas mahigpit na proseso ng screening sa mga dayuhang employer upang maiwasan ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga OFW. Kabilang dito ang pag-aatas sa kanila na magsumite ng police record at pumasa sa neuro-psychiatric exam para matiyak na sila ay mentally stable.

Higit pa rito, iminungkahi ni Tulfo ang paglikha ng mga asosasyon hindi lamang ng mga OFWS, kundi maging ng kanilang mga employer na dapat na regular na nagpupulong upang matugunan ang mga paulit-ulit na isyu na kinakaharap ng magkabilang panig at maiwasan ang karagdagang mga pang-aabuso na mangyari. Ito ay kapaki-pakinabang para sa parehong partido, aniya.

Panghuli, sinabi ni Tulfo na dapat ay magkaroon ng Filipino festival sa Kuwait na nagpapakita ng mga talento ng mga Pilipino sa musika at sining at nagtatampok sa mayamang kultura at tradisyon ng bansa na maaaring makakuha ng respeto ng mga mamamayan ng Kuwait.

Bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na mapabuti ang kalagayan ng mga OFW sa Kuwait, naghain kamakailan si Tulfo ng Senate Resolution (SR) No. 448 na naglalayong muling bisitahin, at suriin ang umiiral na bilateral agreement at standard employment contract na namamahala sa OFWs sa Kuwait.

Photo credit: Facebook/dmw.gov.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila