Nangunguna pa rin sina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte pagdating sa trust at approval ratings kumpara sa ibang opisyal ng gobyerno ayon sa datos ng OCTA Research.
Ayon sa “Tugon ng Masa” (TNM) survey ng nasabing private polling, research and consulting firm, malaki ang iniangat ng ratings nina Marcos at Duterte noong nakaraang taon ngunit nanatili pa rin ang pangunguna ng tinaguriang “Tigre ng Norte” at “Agila ng Timog” sa listahan ng OCTA Research sa unang quarter ng 2024.
“However, his [President Marcos Jr.] trust and performance ratings significantly declined by six percent. More significant than the margin of error of +/-3 percent for national estimates in the first quarter of 2024 compared to his trust and approval ratings in the last quarter TNM Q4 survey conducted in December 2023.”
Ngayong taon, nakakuha ng 69% trust rate at 65% approval rate ang pangulo. Samantalang ang bise presidente ay nakakuha naman ng 68% sa trust rate at 64% sa approval rate.
Katulad sa nakaraang survey, sumunod pa rin sa listahan kina Marcos at Duterte ay sina House Speaker Martin Romualdez na nagtala naman ng 61% trust ratigs at former Senate President Juan Miguel Zubiri na mayroong 56% trust ratings kahit na kinakitaan ito ng pagbaba ng rating kumpara noong 2023.
“The ratings for the Senate President and the Speaker of the House for the first quarter of 2024 remain statistically unchanged compared to the last quarter TNM Q4 survey conducted in December 2023.”
Matatandaang noong nakaraang buwan, iniulat din ng OCTA Research na mayroong 31% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa Marcos administration ayon sa nasabing TNM Survey. Sa kabilang banda, 20% naman ang sa Duterte administration at sa kanilang mga political allies.
Magmula noon, ang dalawang nasabing partido ay hindi na nagkakalayo sa trust at approval ratings. Bumaba man ang kanilang grado, nanananitili ang dalawang opisyal na may pinakamataas na suporta galing sa taong bayan.