Pormal na inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang Libreng Sakay Program sa rutang Commonwealth-Quiapo.
Ang dalawang bagong bus ay babyahe mula sa Doña Carmen sa Commonwealth Avenue, Quezon City hanggang Quiapo Church sa Quiapo, Manila at vice versa. Ito ay karagdagang transportasyon tuwing peak hours sa umaga at hapon.
Katuwang ng OVP ang Metropolitan Manila Development Authority, Quezon City Government at JAC Liner sa paglunsad ng dalawang bus sa bagong ruta ng Libreng Sakay Program.
Kasama rin sa inilunsad ng OVP at Department of Transportation ang Peak Hours Augmentation Bus Service – Libreng Sakay sa Metro Manila sa Luzon, Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, at Bacolod sa Visayas, at Davao City sa Mindanao noong Agosto 3.
Ayon sa datos ng Local Affairs and Special Projects Division Ng OVP, nakapagsilbi na ang programa sa kabuuang 337,673 na pasahero sa 5,852 biyahe sa buong bansa.
Layunin ng Libreng Sakay Program na makatulong sa mga mananakay sa pagbibigay ng augmentation sa transportasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong bus company at mga may-ari nito.
Photo credit: Facebook/IndaySaraDuterte