Naglabas ng P5.2 bilyon ang Department of Budget and Management (DBM) upang pondohan ang isang buwang requirement ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa pahayag ng ahensya ngayong Martes, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) noong Nobyembre 17.
“The DBM fully supports the projects and programs that provide social assistance to our fellow kababayans. It was the President himself who gave the marching order not to neglect those in dire need. Thus, we will do everything we can in our capacity so that they may receive the benefits entitled to them,” sabi ni Pangandaman.
Sa ilalim ng programa, namamahagi ng cash transfers na P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan sa mga pinakaapektadong kabahayan. Ito ay para maibsan ang epekto ng pagtaas presyo ng gas at ibang pangunahing bilihin.
Inaasahan na sa pangatlong tranche ng programa ay makakatulong ito sa 9.8 milyon na benepisyaryo.
Dati nang naglabas ng P10.33 bilyon ang ahensya sa DSWD para sa dalawang buwan ng cash transfer na tumatarget sa 10 milyon na benepisyaryo.
Kinuha ang pondo para sa SARO sa Unprogrammed Appropriations, ayon sa DBM.
Photo Credit: Philippine News Agency website