Wednesday, January 22, 2025

‘P5-M KAPALIT ULO?’ Gatchalian Dinaga kay Guo; Utas Sa ‘Death Threat’

1338

‘P5-M KAPALIT ULO?’ Gatchalian Dinaga kay Guo; Utas Sa ‘Death Threat’

1338

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Win Gatchalian para sa kanyang karagdagang seguridad matapos umanong makatanggap ng death threat.

Sa panayam ni Gatchalian sa Teleradyo Serbisyo, sinabi niya na nangangamba na siya sa kanyang seguridad matapos umano kumalat sa social media ang isang videong nagsasabi na may pabuyang P5 milyon si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kapalit ng ulo ni Gatchalian at Sen. Risa Hontiveros.

Matatandaang ang dalawang mambabatas ang nangunguna sa imbestigasyon tungkol sa pagkakasangkot ni Guo sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator.

“Humingi ako ng dagdag security kay Senate President [Chiz] Escudero dahil itong mga taong nasa likod nito hindi mga ordinaryong syndicates,” pahayag ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, hindi biro ang impormasyon na ito dahil malaki ang posibilidad na gawin nga ito ni Guo dahil may kakayahan ang mayor na magbigay ng ganoong kalaking pabuya kapalit ang kanilang buhay ni Hontiveros.

Ang pakiusap naman na ito ay sinagot ni Escudero at sinabing handa siyang tumulong sa kung sinuman ang nangangailangan, lalo na sa kapwa niya senador. “I will always help a fellow member of the Senate and stand ready to assist in whatever way I can if needed by them.”

Noong Hulyo 4, naghain ng petisyon si Gatchalian sa Philippine National Police (PNP) upang imbestigahan ang kumakalat na bidyo. Dahil dito, nanindigan ang PNP na hahanapin ang salarin sa likod ng kumalat na video at kung may kinalaman nga ba ang kampo ni Guo tungkol dito.

Photo credit: Facebook/WinGatchalian74

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila