Sunday, December 22, 2024

PAAWA EFFECT? Guo Nanindigan: ‘Pilipino Po Ako, May Dangal At Pagkatao”

1449

PAAWA EFFECT? Guo Nanindigan: ‘Pilipino Po Ako, May Dangal At Pagkatao”

1449

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Humingi ng dispensa si suspended Bamban Mayor Alice Guo kay Senate President Chiz Escudero matapos magkaroon ng tila hidwaan sa kanilang kampo ukol sa pagdidikta umano ng dating mayor sa obligasyon ng mga senador sa bansa.

Sa ipinadalang sulat ni Guo kay Escudero, binanggit ng suspended mayor na hindi niya intensyong pagsabihan o diktahan ang Senado sa kanilang mga ginagawa at nirerespeto niya ito.

“Nais ko pong humingi ng paumanhin kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaugnay ng aking mga naging pahayag. Wala po akong intensyon na pagsabihan o diktahan ang Senado kung ano ang mga dapat bigyang prayoridad. […] Ang aking layunin lamang po ay magbigay suhestiyon base sa mga problemang nararanasan ng aking mga kababayan sa Bamban.”

Dagdag pa ni Guo, nasabi niya lamang na tila masyadong tuktok ang Senado sa kanyang kaso dahil gusto niyang mabigyang-pansin din ang mga pangunahing kailangan ng bansa pati na rin ng kanyang dating pinagsisilbihang bayan.

“Sa kasalukuyan, hindi ko po magagampanan ang aking tungkulin at hindi ko matulungan ang aking mga kababayan. Dahil dito, humihiling po ako ng inyong tulong at pang-unawa. Umaasa po ako sa inyong pamumuno, hindi pababayaan ang aking mga kababayan na nangangailangan ng suporta ng pamahalaan.”

Ani Guo, malaki ang naging epekto sa kanya ng mga nakaraang isyu na ibinabato sa kanya at nais niyang humingi ng tulong kay Escudero upang maayos niyang masagot ang kabi-kabilang kaso na nakakabit sa kanya ngayon.

“Sa aking karanasan […] nagiging sentro ako ng negatibong posts sa social media, na para bang ako ay isa ng convicted criminal at hindi isang resource person sa tema ng mga pahayag at patutsada ng mga Senador na dumidinig ng issue ko at ng POGO. Ako po ay tao rin na may damdamin at nasasaktan sa mga ganitong pangyayari.”

Dahil dito, nanindigan si Guo sa kanyang sulat na handa siyang humarap sa Senado ngunit walang sinabing tiyak na pahayag kung kailan siya dadalo sa mga hearing. “Handa po akong harapin ang iba’t-ibang kaso laban sa akin sa mga tanggapan ng gobyerno tulad ng Ombudsman, DOJ, BIR, husgado at patunayan ang aking kawalang kasalanan.”

Matatandaang kamakailan lamang ay diretsahang sinabi ni Escudero na “wala sa lugar” ang pahayag ni Guo nang sabihin niyang ibang isyu ang dapat na tinatalakay nina Senador Risa Hontiveros at Senador Win Gatchalian.

Ayon kay Escudero, trabaho ng mga senador na tiyakin ang seguridad ng bansa at kabilang dito ang pagkilatis sa kanyang kaso lalo na’t isa sa kanyang kinakaharap na isyu ay may kaugnayan sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators.

Photo credit: Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila