Thursday, January 16, 2025

Padilla May Panawagan Sa Mga Magulang Ng School Sexual Harassment Victims

0

Padilla May Panawagan Sa Mga Magulang Ng School Sexual Harassment Victims

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa gitna ng pag-usbong ng mga reklamo ukol sa sexual harassment sa mga paaralan, nanawagan si Senador Robinhood Padilla sa mga biktima at magulang ng mga ito na lakasan ang kanilang loob at magsalita laban sa isyu.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na dinaluhan ng aktor at direktor na si Jerom Canlas, graduate ng Philippine High School for the Arts, sinaluduhan ni Padilla ang direktor sa pagbasag ng kanyang katahimikan tungkol sa isyu. 

“Gusto ko lang po saluduhan si Sir Jerom. Ikaw ang bayani dito, pinagtatanggol mo rito ang mga bata. Napakaganda ng ginawa mo at magkaroon sana ng lakas loob ang mga magulang din na ang mga anak nila ay biktima na magsalita at mag-file ng kaso,” pahayag ng senador kay Canlas.

Ayon sa mambabatas, ang problemang ito ay hindi magaan sapagkat ang mga batang nabibiktima ay mga anghel na walang kamalay-malay.

Sa pagdinig, nagbahagi si Canlas ng kanyang naging karanasan sa kanyang pag-aaral sa Philippine High School for the Arts. Kasabay nito, nanawagan din ang direktor sa kanyang Twitter account para sa hustisya ng mga biktima. 

Nababahala si Padilla sapagkat ang ganitong klase ng pang-aabuso ay maaring mauwi sa mental health problem na malaking problema sa mga mag-aaral at kabataan hanggang sa kanilang paglaki.

“Napakahirap nitong limutan pagka naging biktima ka ng ganitong klaseng abuse. Ito ay mauuwi sa mental health problem, may pangyayaring di ka makatulog dito. Hindi ito maging magaan sa atin lalo sa law enforcement.” 

Idiniin ng senador ang batas na Safe Spaces Act of 2019 na maaring pagbasehan ng kaso ng harassment sa kahit na sinong nakakaalam nito at siya ring magsisiguro sa proteksyon ng privacy ng bata.

“Sana ay mabigyan ng attention at protection ang bata. Nariyan na batas kung di natin gagamitin,” aniya.

Sinigurado ni Padilla na magpapadala siya ng sulat kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte upang matiyak na safe spaces ang mga eskwelahan. 

Binigyang pansin din niya ang kultura ng sining kasama ng paalala sa paaralan na napakasakit makita ang stigma ng sexual abuse at harrasment sa naturang industriya. 

Dagdag niya, ang mga bagong sibol na artist at talent ay maituturing na kayamanan kaya’t kailangang magtatag ng “bagong kultura” at “bagong imahe sa tinatawag nating sining.”

Photo credit: Facebook/ROBINPADILLA.OFFICIAL

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila