Maaasahan ng mga Pilipino na magsisimulang umahon ang bansa mula sa “crippling effects” ng Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng modernisasyon ng gobyerno at digitalization, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ibinihagi ni Marcos ang planong ito sa isang interview kasama ang TV host at actress na si Toni Gonzaga sa isang episode ng Toni Talks sa kanyang YouTube channel na ipinalabas naman sa ALLTV.
“We can expect that the Philippines will finally begin to emerge from the difficulties that we have been going through in the past two and a half years,” pahayag ng Pangulo.
Inaasahan din ni Marcos ang pagseserbisyo para sa pagbangon ng ekonomiya matapos niyang matanggap ang pinakabagong datos dito. Dagdag pa ng Presidente, sinimulan na niya ang pagtrabaho sa mga plano para sa agricultural na sektor.
“I really am going to work very hard on the economy, and that is based very much on agriculture. So ‘yan ang tinatrabaho ko ngayon.”
Ang Pangulo ang kasalukuyang Secretary ng Department of Agriculture.
Ilan sa mga plano niya para sa naturang sektor ang pagtayo ng mga karagdagang infrastructure, pagsasaayos ng supply chain, at pag-organize sa mga responsibilidad ng ahensya.
Kasama ng kanyang mga initiative para sa agrikultura at food security, plano rin niyang palakasin ang pakikiisa ng publiko sa pag-momodernize ng iba’t-ibang sektor ng gobyerno. Sa pamamagitan nito, madaling malalaman ng publiko at pribadong sektor ang mga proyekto kung saan may kakayahan silang makibahagi at tumulong.
“If they’re private investors, they know what is interesting to them, they know how to get it done. Now, even not investors but ordinary people.”
“We’ll keep it simple” diin ng Pangulo.
Inaasahan niya na ang matagumpay na modernization sa gobyerno ay makatutulong upang maibalik ang sigla ng ekonomiya.
Karagdagang punto pa niya, ang pinagandang internet coverage ay makatutulong sa pagpapaunlad ng workforce efficiency.
“We’ll modernize the functions of government. We’ll make it easier for people to work with government, both ordinary citizens and also the big shots, the investors that want to put a business here in the Philippines,” pahayag ni Marcos.
Photo credit: Facebook/tonigonzagastudio