Monday, November 25, 2024

PAG-ASA KAY SUPREMO! Sen. Lapid, Namigay P1M Benepisyo Sa Apektado Ng Fishing Ban

1707

PAG-ASA KAY SUPREMO! Sen. Lapid, Namigay P1M Benepisyo Sa Apektado Ng Fishing Ban

1707

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Personal na naghatid ng tulong pinansyal at family food packs si Senator Lito Lapid sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales noong Martes, Agosto 1. Ang tulong ay bilang tugon sa hirap na kinakaharap ng fishing community dahil sa sapilitang fishing ban ng China sa West Philippine Sea.

Mahigit 600 mangingisda at tindero sa palengke na apektado ng fishing ban, na nagkabisa noong Hunyo 15, 2024, ang nakatanggap ng tulong at food packs mula sa Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng inisyatiba ni Lapid.

Binigyan din niya ang bawat benepisyaryo ng karagdagang P3,000 para sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya, na umabot sa kabuuang P1 milyon para sa relief efforts sa Masinloc.

“Malaking tulong po ito sa aming mangingisda na nawalan ng hanapbuhay at natatakot po kaming mamalakaya sa Bajo de Masinloc dahil sa banta ng China sa amin, Maraming salamat kay Sen. Lapid dahil sa iyong malasakit at pag-bibigay ng panahon sa aming mahihirap. Hulog ka ng langit sa amin, Supremo!” pahayag ng isa sa mga benepisyaryo.

Ibinahagi ng isa pang benepisyaryo na nahihirapan silang mabuhay dahil sa inflation at kawalan ng kita na bunga ng fishing ban.

“Halos nawalan na kami ng kita. nagdidildil na lang ng asin ang aming pamilya para lang makatawid sa gutom na aming nararanasan. Sana may magawa po ang gobyerno natin na mabawi ng Tsina ang fishing ban at makabalik kami sa Bajo de Masinloc,” dagdag pa ng isang mangingisda.

Buong suporta naman ang ipinahayag ni Mayor Senyang Lim kay Lapid, na aniya’y anak ng labandera at stuntman, isang beteranong aktor, at isang public servant na may malinis na rekord sa nakalipas na 30 taon.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang senador sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Masinloc at tiniyak niya na patuloy siyang magbibigay ng tulong.

Facebook/SenadorLitoLapid

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila