Monday, December 2, 2024

Pagbago Ng Definition Ng Fully Vaccinated Iminungkahi

15

Pagbago Ng Definition Ng Fully Vaccinated Iminungkahi

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Iminungkahi ni Iloilo Representative Janette Garin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Health Officer in Charge Rosario Vergeire na baguhin ang kahulugan ng “fully vaccinated” kung saan isasama dito ang unang booster shot upang mahimok ang publiko na magdagdag ng kanilang bakuna laban sa Covid-19 virus.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Garin  – isang doctor at bihasa sa advanced vaccinology – na mababa ang booster population ng bansa na nasa 21.76 percent kahit na bukas ang Department of Health at mga local governments sa pagpapabakuna.

Mabagal at mas mababa ang turnout dahil naging kampante na ang karamihan sa natanggap nilang primary series o ang unang dalawang covid vaccine, dagdag niya.

Sinabi rin ng mambabatas na ang nakikita nyang problema sa low booster rate ng bansa ay sa messaging.

“Nasaan ba ang problema, I believe its in the messaging because we keep on insisting na fully vaccinated ka na sa dalawang dose, hindi tayo nagiging transparent hindi tayo nagiging buo sa desisyon na ang katotohanan nung pumasok yung delta at dumagdag pa yung omicron variant at sub variant ang isang fully vaccinated person ay iba na ang naging depinisyon. Kapag dalawa beses lang nakabaunahan ay under vaccinated, inadequate ang kanyang proteksyon kaya kailangan ng isa pang bakuna at yung ikaapat na bakuna yun ang magiging totoong booster” paliwanag niya.

Naniniwala si Garin na kung idineklara ng gobyerno na ang unang dalawang Covid dose ay hindi pa maituturing na fully vaccinated, mahihikayat ang publiko na magpabakuna at mas mapapabilis ang pagkamit ng bansa sa herd immunity na nawala nang pumasok ang omicron variant.

Suhestiyon pa niya na para mapalakas ang booster rate ay isabay ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa pagbabakuna at payagan ang vaccination drive sa mga kumpanya, gayundin ay magbigay ng libreng pamasahe gaya ng kanilang ginawa sa Iloilo First District kung saan nagbigay ng libreng pananghalian, gamot at pamasahe kaya dinumog ng tao ang vaccination sites.

Photo Credit: Facebook/janetteloretogarin

 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila