Sunday, January 12, 2025

Paglobo Ng Bilang Ng Biktima Ng Child Labor Ikinabahala Ni Rep. Reyes

45

Paglobo Ng Bilang Ng Biktima Ng Child Labor Ikinabahala Ni Rep. Reyes

45

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

“Ang pagtaas ng kalahating milyon sa bilang ng child laborers sa bansa mula noong 2020 ay nakakabahala. Hindi ito katanggap-tanggap.” 

Ito ang pahayag ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes sa impormasyong ibinahagi kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na mayroong 1.37 milyong mga batang nagtatrabaho sa gulang na lima hanggang 17 taong gulang noong 2021.

Mas mataas ito kaysa sa 872,333 mga bata sa parehong gulang na nagtatrabaho sa bansa noong 2020.

Batay sa ulat ng PSA, ang bilang ng mga batang biktima ng child labor ay tumataas mula 596,919 noong 2020 hanggang 935,120 noong 2021. Ang mga biktima ng child labor ay pinipilit na magtrabaho sa hindi kanais-nais na mga gawain o mapanganib na kapaligiran. 

Pinagtatrabaho rin sila ng higit sa 40 oras kada linggo, at nagtatrabaho ng lampas sa nakatakdang oras sa batas.

“Ito ay malinaw na sampal sa mukha ng mga awtoridad at dapat magbigay ng paalala sa kanila na marami pang puwedeng gawin ang gobyerno upang masiguro na naipapatupad ng tama ang mga batas na nagbabawal sa pagtatrabaho ng mga bata,” paliwanag pa ni Reyes kasabay ng pahayag ng pagkadismaya sa tila kakulangan ng agarang opisyal na tugon upang solusyunan ang problema.

Ayon sa PSA, ang sektor ng agrikultura ang may pinakamataas na bilang ng mga batang nagtatrabaho (45.7 percent), sinusundan ng sektor ng serbisyo na nasa 45.4 porsyento ng kabuuang bilang ng mga batang nagtatrabaho. Ang sektor ng industriya ang may pinakamababang bahagdan ng underaged workers sa 9 porsyento.

“Ang mga bata ay dapat may matatag na pundasyon upang ihanda sila sa kanilang produktibong mga taon sa hinaharap. Nasa kultura man nating mga Pilipino ang pagturo ng kasipagan at pagtulong sa mga gawaing bahay sa bakanteng oras, kailangan ng mga batang manatili sa paaralan at hindi sa pingtatrabahuan,” sabi ni Reyes.

“Sa mga ahensiyang inatasan ng katungkulan hinggil dito, gawin ninyo ang trabaho at solusyunan ang problemang ito. Kung mayroong mga butas at kakulangan ang umiiral na batas, sabihin ninyo para magawan natin ng kaukulang amyenda sa Kongreso.” 

Photo Credit: Philippine Information Agency Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila