Wednesday, January 8, 2025

Pagpapalawig Ng Voter Registration Period, Hindi Na Pinayagan Ng COMELEC

3

Pagpapalawig Ng Voter Registration Period, Hindi Na Pinayagan Ng COMELEC

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ng Commission on Election o COMELEC na hindi na palalawigin pa ang voter registration period lagpas ng Setyembre 30 kahit nasa gitna ng pandemya. 

Ito ay matapos pagpasyahan ng En Banc na huwag na i-extend pa ang registration kahit may ilang panawagan ang ibang kongresista na pahabain pa ito ng isang buwan. 

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, maaring magkaroon ng “domino effect” sa mga preparasyon para sa eleksyon kapag nagkaroon pa ng extensyon ang voter registration period. 

Iginiit ni Jimenez na kahit hindi pinayagan ang extension, bukas naman ang mga voter registration site tuwing Sabado pati na tuwing may holiday.  Lumalagpas din hanggang alas-singko ng hapon ang voter registration kung kinakailangan. 

Sa ibang siyudad na nasa ilalim ng Enhance Community Quarantine o ECQ at ng Modified Enhance Community Quarantine o MECQ, mananatili pa ring suspendido ang voter registration sites. 

 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila