Dear PBBM,
Bilang isang Pilipinong may pagmamalasakit sa kalayaan, dignidad at kapakanan ng Pilipinas, ako ay nababahala sa mga kamakailang ulat tungkol sa naging asal ng Ambassador ng China sa Pilipinas na si Huang Xilian.
Idagdag pa rito ang mga sinabi mo sa isang interview kung saan parang ipinag-walang bahala mo ang mga hindi magandang aksyon ni Ambassador Huang lalo na sa kawalang respeto nito sa ating AFP chief. Nakapanlulumo talaga ito.
Naiintindihan ko ang complexities ng diplomatic relations, ngunit hindi dapat mawala ang ating pambansang dignidad at paggalang sa sarili para lamang mapanatili ang mabuting relasyon sa ibang bansa.
Ang sinasabing pambu-bully ni Ambassador Huang sa ating AFP chief ay lumabag na sa diplomatic discourse at national pride. Ang ating military officials, na nag-aalay ng kanilang buhay sa pagtatanggol sa ating soberanya, ay nararapat lang na galangin. Ang pagtanggap mo sa ganoong pag-uugali ay nakakabawas sa karangalan ng ating bansa at nagpapadala ng maling mensahe sa ating mga mamamayan at sa international community.
Kung palalagpasin natin ang pag-uugali ni Ambassador Huang sa ngalan ng diplomasya, maaring maging normal na lamang ito sa iba pang mga ambassador hindi lamang ng China kundi ng iba pang bansa.Â
Maaring hindi mabago ng pagpapauwi kay Ambassador Huang ang pag-angkin ng China sa ating mga isla ngunit ito ay magiging hudyat na dapat igalang pa rin nila ang dignidad at kalayaan ng Pilipinas.
Hinihimok kita, PBBM, na muling pag-isipan ang bagay na ito at gumawa ng mas mabigat na parusa sa mga iniulat na aksyon ni Ambassador Huang. Ang ating bansa ay karapat-dapat lamang sa mga pinunong may paninindigan at pagpapahalaga sa ating dignidad at pagtataguyod ng mga prinsipyong tumutukoy sa atin bilang mga Pilipino.
Gumagalang,
Liberty Advocate
Photo credit: Facebook/AmbHuangXilian/photos_by
Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph.
Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang yan sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.