Aprubado sa House Appropriations Committee ang House Bill (HB) 5345 na isinulong ni Dinagat Islands Representative Alan 1 B. Ecleo na may layuning magtayo ng mga disaster food bank sa bawat probinsya sa bansa.
“Our province’s experience with Covid-19 and Typhoon Odette is an eye-opener to the reality experienced by geographically isolated provinces in times of crises and natural calamities, specifically concerning the accessibility and availability of food supply,” pahayag niya.
Kasama ang HB 5245 sa tatlong panukala na pinagsama at inaprubahan ng House Appropriations Committee kung saan ang mga stockpile ay nagsisilbing central repository at supply reserve ng mga pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, medisina, bakuna, at iba pang mga medical supply.
Ayon sa panukala, ang mga ilalagay sa mga food bank ay dapat hindi nasisira o may shelf life ng dalawang taon para sa mga pagkain. Dapat makatulong rin ang panukala sa pagpapabuti ng lokal na agrikultura at ekonomiya ng mga munisipalidad at siyudad sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkain at iba pang suplay mula sa mga lokal na pamahalaan.
“As we have always said, no province is safe from the destruction and devastation brought by weather-related events, especially in the context of our changing climate,” pahayag ni Ecleo.
“We need to empower each LGU (local government unit) to be able to provide adequate food and supplies to affected households and communities, especially the impoverished,” aniya.