Sunday, November 24, 2024

Pagtulong Sa Mahihirap Sa Gitna Ng Mataas Na Bilihin, Tiniyak ng Gobyerno

39

Pagtulong Sa Mahihirap Sa Gitna Ng Mataas Na Bilihin, Tiniyak ng Gobyerno

39

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Prayoridad ng administrasyong Marcos ang pagtulong sa mga mahihirap na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

“Doon sa mga vulnerable talaga tayo naka-focus ngayon kaya dinadalian namin ‘yung mga issues constraining ‘yung digitalization natin kasi ‘yun ang makakatulong sa pag-ensure na ‘yung limited assistance natin ay makakarating talaga sa mga dapat matulungan,” sinabi ni Balisacan. 

Noong Enero 2023, tumaas ang inflation rate ng bansa nang 8.7 percent mula sa 8.1 percent noong Disyembre 2022, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA). 

Ang pagtaas ng inflation rate ng bansa ay dahil sa pagtaas ng housing rentals, kuryente, tubig, at presyo ng gulay, gatas, itlog, prutas at mani.

“For those naman na talagang affected adversely, lalo na ‘yung mga very poor at vulnerable groups, ‘yun talaga ang pagbuhusan natin ng assistance,” tugon ni Balisacan nang tanungin siya tungkol sa aksyon ng Senado na magbigay ng one-time P50,000 inflation assistance sa mga empleyado nito.

Inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagtaas ng one-time inflationary allowance ng P50,000 upang makatulong laban sa pagtaas ng mga bilihin.

Photo credit: Philippine News Agency Official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila