Matapang na tinawag ni Vice President Sara Duterte na “politically motivated” ang imbestigasyon ng House of Representatives sa umano’y maling paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).
“They have no evidence of wrongdoing. They are attempting to find fault through the hearings. They are working to destroy the integrity of the Office of the Vice President and its ordinary employees,” aniya.
Pinagtanggol din ng bise presidente ang mga opisyal ng OVP na diumanoy pilit sinisira kahit ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang trabaho.
Matatandaang apat sa staff ni Duterte ang ipinatawag at sinabihang in contempt, dahil sa paulit-ulit na hindi pagdalo sa hearing. Subalit sinabi ng bise presidente na abala lamang ang kanyang staff sa pag-aayos para sa ika-89 na anibersaryo ng ahensya sa Nobyembre 15.
Idinagdag pa ni Duterte ang kanyang hinala na ang mga imbestigasyon ay bahagi ng plano ng ilang mga nais magpabagsak sa kanya. Partikular niyang binanggit ang umano’y ambisyon ni House Speaker Martin Romualdez na tumakbo bilang pangulo—o magtulak ng charter change para maging prime minister kung hindi man makuha ang boto ng mga tao.
Sa nasabing media press conference ay tinanong din si Duterte kung siya ay tatakbo bilang pangulo sa 2028. Tugon niya na wala pa ito sa kanyang plano sa kasalukuyan at maghihintay ng Disyembre 2026 bago magdesisyon.
Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial, Facebook/HouseofRepsPH