Sinagot ni dating senador Francis “Kiko” Pangilinan ang mga kritisismo sa kanyang pagdalo sa “Konsyerto sa Palasyo” noong Disyembre 15, kasama ang kanyang asawang si Sharon Cuneta. Ipinaliwanag ni Pangilinan na ang kanyang presensya sa star-studded event ay para lamang suportahan ang local film industry at samahan ang kanyang asawa.
“Showing up to support and appreciate the initiatives of Malacañang that we ourselves support and advocate does not mean we have abandoned our principles,” pahayag ng dating mambabatas sa isang social media post.
Nagpasalamat din si Pangilinan sa Malacañang sa pagsuporta nito sa Philippine cinema, pagbabawal sa Philippine offshore gaming operators (POGO), at pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas laban sa China.
Nilinaw din ng dating senador na ang kanyang presensya sa Palasyo ay hindi nangangahulugan ng kompromiso sa kanyang mga paninindigan. Dagdag pa niya, mahalagang kilalanin ang mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon na naaayon sa kanyang mga adbokasiya.
Matatandaang si Pangilinan ang running mate ni dating bise presidente Leni Robredo noong 2022 elections. Sa nasabing event, kasama nila ang mga pangunahing bituin ng 2024 Metro Manila Film Festival.
Photo credit: Instagram/reallysharoncuneta/