Tuesday, June 25, 2024

PANGAKO NI SUPREMO! Lapid: De-Kalidad Na Serbisyong Medikal Para Sa Lahat

636

PANGAKO NI SUPREMO! Lapid: De-Kalidad Na Serbisyong Medikal Para Sa Lahat

636

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinangunahan ni Senador Lito Lapid ang groundbreaking ceremony ng Jose Songco Lapid District Hospital kaninang hapon, Mayo 30. Sa pagharap sa mga Poraqueño, binigyang-diin niya ang pangakong pagtatayo ng mga ospital upang magbigay ng de-kalidad na serbisyong medikal sa mga mahihirap na Pilipino.

Ang seremonya ay dinaluhan din ni Pampanga Governor Delta Pineda at Porac Mayor Jing Capil. Ang mga doktor, nurse, medical staff, at mga pasyente ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa pagtatayo ng bagong gusali at pagkakabit ng mga modernong pasilidad.

Sa kanyang talumpati, pinangako naman ni Pineda na bibigyan ang ospital ng CT scan at iba pang diagnostic machine mula sa provincial government upang mapahusay ang mga serbisyo sa health services para sa mga residente ng Porac. 

Maliban sa proyektong ito, inihayag ni Pineda na magbibigay din si Lapid ng 21 ambulansya sa lahat ng bayan sa Pampanga.

Kasama ni Lapid ang kanyang anak na si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Chief Operating Officer Mark Lapid.

Photo credit: Facebook/dpwh.r3official

President In Action

Metro Manila