Monday, January 20, 2025

Panira Ng Reputasyon! Tolentino Tutol Sa Pagpapalabas Ng ‘Barbie’

0

Panira Ng Reputasyon! Tolentino Tutol Sa Pagpapalabas Ng ‘Barbie’

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagbabala si Sen. Francis Tolentino na magdudulot lamang ng pinsala sa reputasyon ng Pilipinas kung papayagan ang pagpapalabas ng pelikulang “Barbie.”

“This will not just be an injurious to the Republic of the Philippines but would be contrary to what our country fought for and achieved under that Arbitral Ruling in 2016,” pahayag niya.

“What the effect would be? Something that would dilute our sovereignty.”

Nagbigay ng pahayag ang sendor matapos niyang himukin kamakailan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang harangin ang nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang ‘Barbie’ na dinirek at ginawa ng Warner Bros. Pictures. 

Ito ay bunsod ng digital illustration ng isang eksena na nagpapakita ng  “9-dash line,” na basehan ng China sa militaristic expansion sa rehiyon ng South China Sea (SCS), kabilang ang zone sa kahabaan ng West Philippine Sea. 

Matatandaang noong 2016, pinawalang-bisa ng The Hague Tribunal ang “nine-dash line doctrine” ng Beijing sa buong rehiyon ng SCS kasunod ng kasong arbitrasyon na isinampa ng gobyerno ng Pilipinas noong Enero 22, 2013. Ang nine-dash line ng China ay unilaterally na nakapasok sa mga teritoryo ng iba pang miyembrong estado ng Association of Southeast Asian Nations.

Ayon naman kay Sen. Robin Padilla, sa ngalan ng pagiging patas, hindi pa siya maaaring gumawa ng personal na panawagan sa ngayon kung maaari ba o hindi na ipalabas sa Pilipinas ang pelikula hangga’t hindi niya pa ito napapanood ng buo. 

“Nguni’t ito ang malinaw: ang pagpapasiya kung maaari bang ipalabas ang pelikulang ito dahil may eksena ng ‘9-dash line’ ng Tsina na taliwas sa arbitration ruling na pumapabor sa Pilipinas ay depende po sa messaging ng pelikula,” aniya.

Dagdag pa ni Padilla, kung hindi magkakaroon ng kasunduan na huwag maging usaping geopolitical ang pelikula ay wala raw magagawa kundi ang ipagbawal ang pagpapalabas nito. 

“Kung makakaapekto po ito sa arbitral ruling, pero kung payag at puwede namang i-edit out ng producer ang eksenang ito, para sa akin ay no problem – puwede po siyang ipalabas,” paglilinaw niya. 

Ayon naman kay Tolentino, nasa pamunuan din ng MTRCB kung ipagbabawal ang pagpapalabas ng pelikula, katulad ng ginawa ng nasabing ahensya nang magdesisyon itong hindi payagan ang local screening ng mga pelikulang “Abominable” at “Unchartered” bunsod din sa paglalarawan ng “9-dash line” noong 2019 at 2022.

Samantala, ang gobyerno naman ng Vietnam ay nagpasyang ganap nang i-ban ang pelikula dahil sa kaparehas na rason. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila