Sunday, January 26, 2025

PARA MAGKAALAMAN NA! Comelec Nanawagan Ng Debate Sa Midterm Elections

21

PARA MAGKAALAMAN NA! Comelec Nanawagan Ng Debate Sa Midterm Elections

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga media entity na magsagawa ng senatorial debates para sa mga kandidato sa nalalapit na mid-term elections sa Mayo. Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na makilala ang mga tumatakbo at maunawaan ang kanilang paninindigan sa mahahalagang isyu.

“We are inviting the radio and television stations, maybe they want to hold debates. We will give them the go signal,” ayon kay Comelec Chair George Garcia sa isang panayam sa radyo.

Nilinaw din ni Garcia na, “there is no such law that can compel candidates to attend (debates).” Gayunpaman, sinabi niya na posibleng “we can try that (issuing a resolution) by making it part of our rules.”

Huling nagdaos ng election debates ang Comelec noong halalan noong Mayo 2022. Sa pagkakataong ito, umaasa ang poll body na mas magiging aktibo ang media sa pagpapalaganap ng mas malalim na diskusyon sa mga plataporma ng mga kandidato.

Photo credit: Facebook/comelec.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila