Ganap nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang New Agrarian Emancipation Act sa seremonyang ginanap sa Kalayaan Hall sa Malacañan Palace.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, ang bagong batas ay tatanggap ng P57.56 billion na unpaid amortizations mula sa principal debt na natamo ng humigit kumulang 600,000 agrarian reform beneficiaries na nagpapalago sa 1.173 million hectares ng lupain sa buong bansa.
Ang bagong Agrarian Emancipation Act ay katuparan ng pangako ng Pangulo na binanggit niya sa kaniyang unang State of the Nation Address noong 2022, kung saan hinimok niya ang Kongreso na isabatas ito dahil ito ang magpapalaya sa mga magsasaka sa utang na natamo mula sa lupang ipinagkaloob sa kanila sa ilalim ng Presidential Decree No. 27, series 1972 at Comprehensive Agrarian Reform Program.
Pagkatapos ng signing ceremony ay pinangunahan naman niya ang seremonya ng paggawad ng land titles sa ilang mga benepisyaryo na kumakatawan sa humigit kumulang na 31,000 land titles para sa tinatayang 23,000 ARBs sa isang programa sa Heroes Hall sa Malacañan Palace.