Saturday, November 23, 2024

Para Matapos Na! Ex-ES, Gustong Sumailalim Ulit Si PBBM Sa Credible Drug Test

252

Para Matapos Na! Ex-ES, Gustong Sumailalim Ulit Si PBBM Sa Credible Drug Test

252

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Upang matigil na ang alegasyon tungkol sa diumano ay paggamit ng Pangulo Bongbong Marcos ng illegal drugs, hinikayat siya ni dating executive secretary Vic Rodriguez na pagbigyan na ang taumbayan at sumailalim na lang sa isang credible drug testing.

Mula noong pinabulaanan ni former President Rodrigo Duterte ang paggamit ni Marcos ng illegal drugs, naging usap-usapan na ito ng taumbayan at nais nang makita kung totoo nga ba ang mga paratang sa pangulo tungkol dito.

Dahil sa mga usap-usapan na ito, nagpahayag si Rodriguez na sumailalim ang dati niyang boss sa credible drug testing para umano ipakita ang transparency sa taumbayan at mapatunayan na wala siyang itinatago.

“It’s not dignifying. It’s hiding the call clamor of the Filipino people. You know if you have nothing to hide, just undergo a credible hair follicle drug test,” saad ni Rodriguez sa kanyang panayam sa Unang Balita.

Dagdag pa niya, ang pagkuha ni Marcos ng drug test ay para rin maging patas siya sa patakaran na ipinapatupad sa mga kumpanya at organizations sa bansa tungkol sa mandatory drug testing.

“Hindi biro ito. Kahit naman sa ordinary work place, an ordinary employee is subjected to a periodic or random drug test, why can’t we subject the same to those national leaders of our task to govern of our republic,” pahayag ni Rodriguez.

Giit pa niya sa isang Facebook post kaugnay ng issue na ito, ang drug testing ay magiging daan para maging mabuting ehemplo ang gobyerno sa mga Pilipino lalo na sa kabataan

Noong 2021, maaalalang sumailalim sa drug test si Marcos habang siya ay kumakandidato pa lang sa pagka pangulo. Inilabas ni Rodriguez ang resulta sa publiko ngunit maraming umalma dahil sinasabi nilang peke ito matapos mag-negatibo ang presidente sa drug test.

Photo credit: Facebook/attyvicrodriguez, Facebook/BongbongMarcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila