Saturday, January 11, 2025

Para Sa Kabataan! Imbestigasyon Sa Online Gambling, Itutulak Ni Sen. Lapid

243

Para Sa Kabataan! Imbestigasyon Sa Online Gambling, Itutulak Ni Sen. Lapid

243

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senator Lito Lapid sa paglaganap ng mga advertisement ng online gambling sa iba’t ibang social media platforms sa bansa. 

Bilang chairman ng Senate Committee on Games and Amusements, nagbabala siya sa mga panganib na dulot ng exposure ng mga kabataan sa online gambling sa pamamagitan ng mga platform tulad ng Facebook, X, Instagram, at TikTok. 

Binigyang-diin ni Lapid na ang exposure na ito ay maaaring makasira ang kanilang mga pagpapahalaga at moralidad kung hindi matutugunan ng gobyerno.

“Kung ang kabataan ay nakalulusot sa paglalaro sa online gaming, papaano natin sila palalakihin ng maayos at may moralidad sa buhay. Nakalulungkot na masisira ang pagpapahalaga ng ating kabataan sa masamang bisyong ito at posibleng maitaya pa nila ang konting baon sa eskwela. Ang masaklap pa nito, baka maging mitsa ito ng pang-uumit sa kanilang mga magulang at matuto na rin silang magnakaw, gaya sa mga karakter sa FPJ’s Batang Quiapo,” aniya.

Dagdag ng mambabatas, napakadaling mag-install ng mga aplikasyon para sa online gambling sa mga cellphone at iba pang mobile device, na kadalasang hindi napapansin ng mga magulang. Napakadali din magparehistro dito sapagkat pangalan at edad lang ang kailangan.

Kabilang sa mga sikat na aktibidad sa online gambling sa mga kabataan ay ang poker, roulette, color games, at iba pang mala-casino na laro.

Bilang tugon, inihayag ni Lapid ang plano niyang maghain ng resolusyon na nananawagan ng imbestigasyon sa paglaganap ng illegal online gambling at upang magmungkahi ng batas upang pigilan ang pagkalat nito.

Photo credit: Facebook/SupremoSenLapid

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila