Saturday, January 11, 2025

Para Sa Magandang Ani! La Union Farmers Binigyan Ng Farming Supplies

21

Para Sa Magandang Ani! La Union Farmers Binigyan Ng Farming Supplies

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Maraming magsasaka sa La Union ang nabigyan ng iba’t ibang farming supply ng kanilang provincial government sa pangunguna ni Governor Rafy Ortega-David.

“Para sa mga magsasaka at sa pagiging Heart of Agri-tourism in Northern Luzon by 2025!” pahayag ni Ortega-David sa kanyang social media page.

Binigyang-diin din niya ang mga makabuluhang hakbang na ginawa ng La Union sa pagsuporta sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng iba’t ibang agricultural interventions.

“We have provided 21,634 bags of Organic Fertilizers, 8,610 hybrid seeds, and 460 tools and farm equipment to our Farmer Cooperatives and Associations (FCA) and Local Government Units (LGUs). Malaking tulong po ito sa ating mga magsasaka at sa pagpapaganda ng kaledad ng ating mga ani,” ayon sa gobernadora.

Pinuri rin niya ang pagtutulungan ng Provincial Government of La Union, Department of Agriculture, at mga local government sa pagpapatupad ng mga nasabing intervention. 

“This is just one of the testaments of La Union PROBINSYAnihan. With our strong collaborations with the Department of Agriculture and Local Government Units, we were able to help our farmers here in La Union,” dagdag pa ni Ortega-David.

Sa huli, tiniyak niya sa publiko ang hindi natitinag na pangako ng lalawigan sa pagsulong ng agrikultura at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga magsasaka sa sa lalawigan.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila