Friday, November 22, 2024

PASIKLABAN SA 2025! Magkakapatid, Artista Sasabak Sa Senado

2529

PASIKLABAN SA 2025! Magkakapatid, Artista Sasabak Sa Senado

2529

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila mainit ang karera sa susunod na taon para sa Senado dahil sa iba’t ibang personalidad na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-senador sa 2025 elections.

Isa sa mga naghain ng COC ay si dating broadcast journalist at ngayo’y kinatawan ng ACT-CIS party-list na si Erwin Tulfo.

Tumatakbo si Tulfo sa tiket ng Lakas-CMD. Pormal na siyang sumumpa sa partido sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez na nagpahayag ng suporta. Bahagi rin si Tulfo ng senatorial slate ng administrasyon.

“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” saad ni Romualdez na presidente rin ng partido. 

“Cong. Erwin’s track record speaks for itself, and we are honored to welcome him into Lakas-CMD. His fearless advocacy for the underprivileged and commitment to improving the lives of ordinary Filipinos make him a perfect fit for our mission of nation-building,” dagdag pa niya. 

“Ever since, I, and my siblings, am focused on helping the poor and oppressed,” saad naman ni Tulfo. Tinutukoy ni Tulfo ang dalawa niyang kapatid na si Raffy, na kasalukuyang senador at si Ben na tatakbo rin sa Senado bilang isang independent candidate.

Aniya, ang sambayanan na ang magdedesisyon kung gusto nila ng Tulfo dynasty sa Senado, ngunit handa siyang suportahan ang isang anti-dynasty law kung ito’y makabubuti para sa bansa.

Samantala, muling maghahain si Sen. Pia Cayetano ng kandidatura kasama ang kapatid niyang si Sen. Alan Cayetano at asawa nitong si Taguig Mayor Lani Cayetano. Bago ang paghahain ng COC, nag-bike ride pa si Pia mula Taguig papuntang Manila Hotel kasama ang 150 cyclists.

Sa kabilang banda, si Sen. Koko Pimentel, na nasa huling termino na sa Senado, ay tatakbong kongresista ng Marikina para muling buhayin ang industriya ng sapatos at solusyonan ang problema sa baha.

“Sa Marikina ako lumaki at namulat, kaya para na rin itong pagbabalik-tanaw sa mga ugat ko,” saad ni Pimentel.

Si Jimmy Bondoc, isang dating singer at loyalista ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay tatakbo rin sa Senado. Nangako siyang magiging boses ng entertainment industry sa Senado kung siya’y mananalo.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila