Pinayuhan ni Local Government Secretary Jonvic Remulla ang Bureau of Immigration na bilisan ang pagproseso ng pagbabalik sa Pilipinas ni retired police colonel Royina Garma, matapos masakote sa San Francisco, California.
“We are committed to seeing justice served in every case and upholding the integrity of our justice system. While we work to ensure the safe return of Ms. Garma, we trust that she will remain cooperative with all ongoing investigations,” aniya.
Ayon kay Remulla, walang “departure order” si Garma, subalit nakansela ang visa nito sa kalagitnaan ng Senate hearing sa drug war ng Duterte administration.
Kasama ng dating pulis ang kanyang anak na si Angelica Garma Vilela ng mahuli sila ng US Immigration noong Nobyembre 7 dahil sa kanseladong visa.
Si Garma ang whistleblower na nagbunyag sa House Quad Committee tungkol sa umano’y sistema ng reward para sa mga pulis na pumapatay ng mga drug suspects sa ilalim ng drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Isang dating opisyal mula Davao City, ay itinuring siya na sentral na figure sa mga congressional hearing ukol sa karapatang pantao at extrajudicial killings. Unang tinanggihan ni Garma ang pagsasalita sa mga pagdinig ngunit kalaunan ay nagbigay ng mga affidavit na nagpapatibay sa mga alegasyon ng reward system para sa pagpatay ng drug suspects. Ayon sa kanyang mga pahayag, direktang inutos ni Duterte ang mga operasyon ng tinaguriang Davao Death Squad.
Photo credit: Facebook/dilg.philippines, Facebook/HouseofRepsPH