Muling tiniyak ng administrasyong Marcos, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ang mahigpit na pagbabantay nito sa presyo ng mga bilihin.
“Rest assured that the Department will bolster its effort in curbing price manipulation and other market abuses,” sinabi ni Agriculture Assistant Secretary IE James A. Layug sa isang pahayag ng Presidential Communications Office.
Ayon sa Republic Act No. 7581, o mas kilala bilang Price Act, protektado ang mga mamimimili sa patas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan at mga panukala laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo sa gitna ng mga kalamidad at sakuna.
Dahil dito, Binisita ng Task Force Bantay Presyo ng Agriculture department ang Muñoz Public Market at Commonwealth Market noong Pebrero 14 para sa isang biglaang inspection, kung saan natagpuan na nilabag ng dalawang tindahan ang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas.
Limang tindahan rin ang nadiskubre na nagbebenta ng overpriced na sibuyas mula P140 hanggang P250 bawat kilo sa inspection sa Quinto, Obrero Public at Balintawak Market noong Pebrero 15.
Nagbigay ng Notice of Violation ang mga DA inspectors sa mga may-ari ng tatlong tindahan sa Balintawak Public Market at dalawang tindahan sa Quinta Market.
Binisita rin ng task force and Mega Pasig Market noong Pebrero 16, kung saan natagpuan ang dalawang tindahan na nagbebenta ng sibuyas nang walang price tag.
Sa ilalim ng presidential directive sa gitna ng pagbaba ng supply at pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural, itinalaga ng DA ang Administrative Circular 05 kung saan ang SRP ng imported na sibuyas ay P125 bawat kilo.
Photo credit: Facebook/PhilippineNewsAgency