Sunday, January 19, 2025

Patuloy Na Tulong Sa Mga Apektado Ng Oil Spill Ipinangako Ng Marcos Admin

0

Patuloy Na Tulong Sa Mga Apektado Ng Oil Spill Ipinangako Ng Marcos Admin

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nangako ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng tuloy-tuloy na tulong sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro na nakaabot na sa ibang probinsya sa rehiyon ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at Western Visayas.

Ayon sa ulat ng Presidential News Desk, umabot sa 32,662 na pamilya ang apektado ng oil spill bata sa datos ng Region VI Task Force on Oil Spill.

Ang national government, mga local government, non-governmental organization at iba pang partner ay nakapagbigay ng P28.3 million na humanitarian assistance sa mga apektado na pamilya.

Sa ilalim ng direktiba ni Marcos, ang Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment ay nanguna sa mga programa para sa mga apektado ng oil spill. 

Iniulat ng task force na ang Social Welfare department ay kasalukuyang nagsasagawa ng cash-for-work na programa sa 7,198 na mga pamilya na nagsimula noong Marso 6. Ayon sa programa, ang mga benepisyaryo ay maaari ring makakuha ng emergency cash transfer at family food packs.

Nagsagawa naman ang Labor department ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (Tupad) Program sa tatlong area ng Caluya sa pamamagitan ng 30-day work program. 

Ang Tupad ay isang community-based package ng assistance na nagbibigay ng emergency livelihood para sa mga displaced worker, underemployed, at seasonal worker sa loob ng 10 araw hanggang 30 araw depende sa trabaho.

Mayroong 200 na benepisyaryo ang programa kung saan may 20 na benepisyaryo sa sampung munisipalidad sa probinsya ng Antique base sa hiling ni Governor Rhodora Cadiao.

Ang ibang ahensya ng gobyerno ay nakikipag-ugnayan sa International Tankers Owners Pollution Federation Limited para magsagawa ng malaking clean-up drive, tukuyin ang debris staging area at ang dumpsite.

Photo credit: Facebook/MimaropaPIA

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila