Friday, January 10, 2025

PBBM Inilatag Ang Plano Para Tugunan Ang Epekto Ng El Niño

6

PBBM Inilatag Ang Plano Para Tugunan Ang Epekto Ng El Niño

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinaigting ng gobyerno ang mga pagsisikap nito na baguhin ang pagdepende ng bansa sa suplay ng tubig mula sa “underground water” tungo sa “surface water,” sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), sinabi ito ni Marcos sa isang panayam kasama si dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo kung saan idiniin niya ang pangangailangan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na maghanda para tugunan ang El Niño.

“Kasi tubig ang pinag-uusapan, marami talagang elemento na kailangan isama diyan sa usapan na ‘yan. But we are slowly converting our dependence of water supply from underground water to surface water. ‘Yun ang pinaka-basic diyan and then the distribution systems,” aniya sa programa ni Tulfo sa Radyo Pilipinas. 

‘Yung ating mga…kung pupuntahan mo ‘yung mga distribution system natin sa mga water authority, kung titingnan mo ‘yung mga ano, noong giyera pa nilagay ‘yung ano… noong panahon pa ng giyera eh noong nilagay ‘yung mga tubo-tubo eh,” dagdag ni Marcos.

Sinabi rin niya na tinutugunan ng gobyerno ang kasalukuyang krisis sa tubig ng bansa.

“So… ganun ang approach namin na kailangan na magkaroon ng sapat na supply ng malinis, ligtas na tubig na kahit pag masyadong mahina ang ulan o nagka-El Niño, masyadong mainit ay magkakaroon tayo ng… mayroon pa rin tayong water supply,” paliwanag ni Marcos.

Dagdag niya na pagbubutihin ng gobyerno ang mga alert at warning system para magbigay ng El Niño forecast.

“Kaya’t, ‘yun isa pa ‘yan, pinapatibay natin ang kakayahan ng DOST (Department of Science and Technology), ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) para ma-warningan naman talaga tayo nang mabuti na may parating na ganito,” ayon kay Marcos.

Sa isang sectoral briefing, inatasan niya ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magtatag ng whole-of-government strategy at protocol-based at long-term na proseso na nakabase sa siyensya para tugunan ang El Niño na maaaring dumating sa bansa hanggang 2024.

Photo credit: Philippine Rice Research Institute Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila