Monday, November 25, 2024

PBBM Inilunsad Ang ‘Kadiwa Para sa Manggagawa’ Sa Quezon City

6

PBBM Inilunsad Ang ‘Kadiwa Para sa Manggagawa’ Sa Quezon City

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang espesyal na Kadiwa ng Pangulo (KNP) outlet na binansagang “KNP Para sa Manggagawa” sa head office ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Quezon City, ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).

Ayon kay Marcos, ang pinakabagong KNP outlet ay parte ng tuluyang pagdagdag ng mga Kadiwa center sa bansa para magbigay ng espasyo para sa mga magsasaka, mangingisda at micro, small and medium enterprises na kumita sa direct farm-to-consumer trade.

“Ito po ay aming sinimulan noong Pasko at nakikita po naman na natin na pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin kaya’t ginawan namin ng paraan. At binalikan natin ‘yung dating sistema na idirekta na mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa ay hindi na dumadaan kung saan-saan pa na middleman,” aniya.

“At kung anuman ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganoon ay makapagbili tayo – maipagbibili natin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang mga presyo,” dagdag ng pangulo.

Aniya, ito ay isa ring parte ng programa ng administrasyon para tugunan ang epekto ng inflation sa bansa.

“Kaya’t nakikita natin marami tayong nababalitaan na nagtataasan ang presyo. Dito po sa Kadiwa ay makikita natin na malaki ang savings, malaki ang bawas doon sa presyuhan. At kaya naman ay sinimulan namin ito noong Pasko, may Kadiwa ng Pasko. Tapos sabi ng tao ay gusto naman natin ‘yung Kadiwa ba’t niyo ititigil pagkatapos mag-Pasko? ‘Di ipinagpatuloy namin hanggang naging Kadiwa ng Pangulo,” dagdag ni Marcos.

Sinabi rin niya na mahalaga ang papel na ginagampanan ng labor force sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa.

“Kagaya nang nabanggit ng ating butihing Congressman ay sinabi ko talaga noon pa kasi sa pag-aaral ko, ‘pag nag-industrialize ang isang bansa, kung minsan naiiwanan ang labor. Kaya’t sinasabi ko lagi huwag natin pabayaan mangyari ‘yun dahil napakalaki ng ating labor force, napakadami ng mahihirapan kung talagang hindi natin alagaan nang mabuti at bantayan nang mabuti ang kanilang kalagayan habang yumayaman ang Pilipinas ay maganda ang takbo na ngayon ng ekonomiya,” aniya.

Ayon sa PCO, ang KNP Para sa Manggagawa ay kadugtong ng Kadiwa program na inilunsad ng Office of the President kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development, National Food Authority, at mga lokal na pamahalaan.

Kasama sa Kadiwa caravan sa Quezon City ay ang 33 na sellers mula sa DA, DTI, DOLE, at Quezon City. 

Ang nakilahok na sellers ay binabayaran sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program ng DOLE.

Photo credit: Facebook/PresidentialCommunicationsOffice

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila