Saturday, January 11, 2025

PBBM Inutusan Ang DENR Na Bilisan Ang Oil Spill Cleanup

3

PBBM Inutusan Ang DENR Na Bilisan Ang Oil Spill Cleanup

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bilisan ang oil spill cleanup sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro, ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

Bilang tugon sa direktibo ng pangulo, sinisiyasat ng DENR ang posibilidad na makipag-ugnayan sa mga kalahok ng Balikatan exercise ngayong taon para sa cleanup drive sa mga apektado ng oil spill dahil sa paglubog ng motor tanker Princess Empress noong Pebrero 28 sa bayan ng Naujan.

Sa pagpupulong kasama si Marcos noong Miyerkules, Marso 8, sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Antonia Loyzaga na nakipag-ugnayan ang ahensya sa United States Embassy para sa posibilidad na direktahan ang mga kalahok ng joint military drills bilang parte ng cleanup, mitigation, at remediation para mabawasan ang epekto ng oil spill.

Ang Balikatan ay ang taunang bilateral exercise na pinangungunahan ng Pilipinas sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines at ng United States Armed Forces.

Dagdag rin ni Loyzaga na nais rin ng Japan at South Korea sumama sa pag-kontrol ng epekto ng oil spill. 

Binanggit rin ni Loyzaga na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DENR sa mga provincial local government unit, may-ari ng vessel at sa Department of Social Welfare and Development bilang potensyal na kukuhanan ng pondo para sa cash-for-work program bilang pagtugon sa mga apektadong residente. 

Isinaad ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na ang mga lugar na bibigyan ng pansamantalang kabuhayan ay ang mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola at Roxas sa Oriental Mindoro, Caluya sa Antique, at Agutaya sa Palawan.

Ayon kay Loyzaga, mayroong P60 million na pondo para sa cash-for-work program ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Binanggit rin niya na ang insurance provider ng may-ari ng vessel ay magdadala ng barko mula sa China para lagyan ng plug ang leak sa lumubog na vessel. 

Ipinunto rin ng DENR na nakaabot na sa Cuyo Island group ang oil spill base sa pinakabagong ulat.

Ang oil spill naman sa Antique at Semirara Island ay patuloy na kumakalat at may tinatayang 35,00 to 50,000 liters na langis mula sa lumubog na vessel.

Ayon sa mga model ng National Oceanic and Atmospheric Administration, ang Naujan at Pola sa Oriental Mindoro ang pinakaapektado ng oil spill.

Photo credit: Facebook/DENROfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila