Saturday, January 18, 2025

PBBM Ipinangako Na Dadamihan Ang Kadiwa Ng Pangulo

9

PBBM Ipinangako Na Dadamihan Ang Kadiwa Ng Pangulo

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dadamihan ang bilang ng Kadiwa ng Pangulo sa bansa upang makatulong sa mga maliliit na negosyo na umahon mula sa epekto ng pandemya at magbigay ng abot-kayang produkto sa mga Pilipino.

“Sana naman po ay ito po ay pinaparami po namin. Hindi lang po rito sa Santo Tomas, hindi lang po sa Maynila, kung hindi pati na sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas. At sa huling bilang ko ay nakalampas na tayo sa 500 na Kadiwa na ginagawa sa buong Pilipinas,” pahayag niya sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa Santo Tomas, Batangas.

“Kaya’t pararamihin po natin ‘yan kagaya nga… Basta’t nagkakaisa at nagsasama lahat ng ahensya ng pamahalaan, lahat ng local government, at lahat ng ating mga producers, kasama na ang ating mga magsasaka ay ‘yan po ay makikita natin magiging matagumpay po itong programang ito,” dagdag ni Marcos.

Idiniin rin niya na prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagtulong sa mga micro, small, and medium enterprise upang makaahon sila mula sa pandemya dahil sa kahalagahan nito sa ekonomiya ng bansa.

“At kasama po natin lahat diyan ang Department of Agriculture, ang Department of Trade and Industry, at siyempre ang pinakaimportante diyan lahat ay ang kooperasyon ng national government at saka ng LGU [local government unit]. Hindi po namin magagawa ito kung wala – kung hindi tumulong ang LGU,” dagdag ng Pangulo.

Sinimulang ilunsad ng administrasyon ang Kadiwa ng Pasko noong Disyembre, at pinalitan ito bilang Kadiwa ng Pangulo. Ang unang outlet ay binuksan sa publiko noong Pebrero 27 sa Cebu City. 

Ayon sa ulat ng Agriculture department, mayroon nang P136.1 milyong benta ang Kadiwa outlets mula noong Nobyembre 5 hanggang Disyembre 31 ng nakaraang taon.

Photo credit: Presidential Communications Office Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila