Monday, November 25, 2024

PBBM: Kadiwa Ng Pasko Project, Dapat Magpatuloy Pagkatapos Ng Kapaskuhan

9

PBBM: Kadiwa Ng Pasko Project, Dapat Magpatuloy Pagkatapos Ng Kapaskuhan

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Gusto ipagpatuloy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang “Kadiwa ng Pasko” project kahit matapos ang Christmas season.

Sa kanyang talumpati sa Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, nais ni Marcos na makipagtulungan sa mga local government unit (LGU) upang mas palawigin pa ang programang ito.

“Hindi lamang sa mga LGU. Magtutulungan na ang Office of the President at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat ipagpatuloy,” aniya.

“At masasabi ko na kahit pagkatapos na ng New Year ay hindi naman namin ititigil ‘yung Kadiwa ng Pasko. Patuloy nang patuloy na ‘yan. Hangga’t maaari ay patuloy ang Kadiwa para naging national program, para lahat ng buong Pilipinas ay makikita naman nila at makakatikim naman sila nung savings doon sa kanilang mga binibili.” dagdag ng pangulo.

Aniya, “best Christmas gift” ng gobyerno ang Kadiwa project para sa publiko. “It is the gift that keeps on giving.”

Ang Kadiwa ng Pasko project ay inilunsad ng Office of the President sa koordinasyon ng Department of Agriculture noong Nobyembre 16. Layon nitong programa ang magbigay ng abot-kayang mga bilihin, lalo na paparating na ang kapaskuhan. 

Sinusportahan din ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) and Department of Labor and Employment (DOLE) ang Kadiwa project.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga lokal na mangingisda at magsasaka ng market para sa kanilang mga huli gayundin ang mga micro, small and medium enterprise (MSME).

Kabilang din sa proyekyo ang pagbebenta ng P25/kilo na bigas.

Quezon City bilang government model

Pinuri ni Marcos ang Quezon City LGU na naging “pioneer” para sa proyekto. Nagsisilbing “government model” ang siyudad para sa proyekto.

“Kaya kung kakayanin nung sistema ninyo ang Quezon City, eh kakayanin ‘yung mas maliliit. Kaya’t we were looking and seeing ano ‘yung mga kung tawagin ay best practices ay tinitingnan namin para maging mas maganda,” aniya.

“Kaya’t nandito po ako para tingnan na maayos naman ang patakbo dito sa Quezon City ‘yung ating Kadiwa ng Pasko, at mukha namang nagiging maayos at may nararamdaman naman na savings ang ating mga kababayan.” dagdag ng pangulo.

Photo Credit: Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila