Bilang parte ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH), magbibigay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 30,000 housing units para sa mga residente ng Cebu City.
Sa ilalim ng whole-of-government approach, sinabi niya, katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD), na ang shelter requirements ay para sa Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project. Dagdag ni Marcos, na magiging pagsubok para sa DSHUD na magtayo ng isang milyong housing units sa kanyang termino.
“Sa tulong ng mga masisipag na kawani ng DSHUD, na pinangungunahan ni Secretary Jerry Acuzar, naniniwala akong kayang-kaya natin itong makamit sa ilalim ng aking panunungkulan,” pahayag niya sa news release ng Presidential Communications Office.
Isinasaad ng pangulo na ang proyekto ay isang halimbawa ng whole-of-government approach, kung saan lahat ng sektor ng lipunan ay may ambag para sa lahat.
“Kagaya nito, hindi magiging matagumpay ang programang ito kund hindi tayo nag-uugnayan at nagsasamahan at nagsasanib puwersa ng national at saka ng mga local government,” aniya.
Sa unang phase ng proyekto, magtatayo ang DHSUD ng 10 na 20-storey buildings sa 25 na hektarya ng lupa na inilaan ng gobyerno para sa halos 8,000 na informal settler families (ISFs) at low income earners sa Cebu.
Ang kabuuan ng South Coastal Urban Development Project ay may tatlong parte sa iba’t ibang lugar sa Cebu City na may sakop ng 60 ektarya ng lupa.
“Sisiguruhin din nating mananatiling abot-kaya ang buwanang hulog at bayad para sa mga bahay na ito kaya patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang maging matagumpay ang programang ito,” binanggit ni Marcos, at dagdag rin niya na magiging disaster-resilient ang mga housing unit.
Bukod sa mga housing unit, sinabi rin niya na ang gobyerno ay magtatayo rin ng mga paaralan, palengke, health centers at iba pang business establishments para suportahan ang kabuhayan sa komunidad.
Photo credit: Facebook/PresidentialCommunicationsOffice