Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba pang mga world leaders sa pagbibigay pugay kay Queen Elizabeth II na pumanaw noong Huwebes sa edad na 96.
“It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” aniya sa isang pahayag ngayong Biyernes.
“She exemplified to the world a true monarch’s great dignity, commitment to duty, and devotion to all those in her realm.”
“We, together with many Filipinos living and working in England, though not subjects of the Queen, have found ourselves having developed a great sense of affection for her as a Queen, as mother, and as a grandmother.”
Sinabi ni Marcos na ang mundo ay nawalan ng tunay na “figure of majesty” na ipinakita ni Queen Elizabeth II.
Inanunsyo ng Buckingham Palace ang pagkamatay ng reyna noong Huwebes.
Itinuturing na pinaka kinikilalang babae sa mundo, si Queen Elizabeth II ang naluklok sa trono ng Britanya sa edad na 25 kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama, si King George VI, noong 1952.
Si Prince Charles, ang panganay na anak ng Reyna, ay agad na naging hari ng United Kingdom at 14 na iba pang teritoryo.
Photo Credit: Facebook/BongbongMarcos